Reared Melodies

...i dream...i write...i live...

 -  / Happy Ending
· 20/8/11 · Reblog
[Flash 9 is required to listen to audio.]

Matagal na ito sa drafts, pero ngayon ko lang ipinublish. Ito ang 2nd song na aking na-compose (mga 2 taon na ang nakalipas)..halatang hindi ako expert dahil marami pang mali at crappy ang lyrics. :P

Happy Ending (Original)


Mahilig manuod, magbasang mag-isa ng mga kwentong pag-ibig

Madalas maiyak, tumawa’t kiligin sa iba’t ibang eksena

At sa pagtapos nito ay malimit mainggit…sa…

*Happy ending, tuloy ang wedding

Nagkabalikan, nagkatuluyan

Mahirap, mayaman nagkainlaban

Magkaaway, ngayo’y magkahawak kamay

Ganyan sa nobela at mga pelikula

Sa tunay na buhay ganyan din nga ba?

Madalas mapaisip kung pa’no hagkan ng tila wala ng bukas

Ano kayang pakiramdam ng may humihiling, humihimbing sa aking balikat?

Parating palaisipan kung magkakaroon din ako…ng…

*Happy ending, tuloy ang wedding

Tutol man ang marami, pinaglaban hanggang huli

Nagka-amnesia, biglang naalalang

Mahal pala nila ang isa’t isa

Ganyan sa nobela at mga pelikula

Sa tunay na buhay ganyan din nga ba?

Gusto kong malaman

Gusto kong maramdaman

Sa sarili kong drama…

Track: Happy Ending