Reared Melodies

...i dream...i write...i live...

MULI (sa direksyon ni Adolfo B. Alix, Jr.; sa panulat ni Gerry Gracio)

Hindi lamang tungkol sa mga isyung kinahaharap ng isang bakla (gaya ng pagkakaroon ng relasyon sa kapwa lalaki) ang pelikulang “Muli.” Bukod dito ay naipapakitang pumapasok din ang isyung panlipunan sa kani-kanilang mga pansariling tunggalian. Ika nga ay: “the personal is [always/also] political” (kung tama man ang pagkakatanda ko).

-Ang pinaka nag-udyok sa akin para panuorin ang pelikula ay ang trailer na ito, lalung-lalo na ang kantang maririnig dito. Nang mapanuod ko ito kanina sa UP Film Institute, hindi ako nagsisi. Ang galing ni Sid Lucero! <3 Kinilig din ako nang di inaasahan haha! Umabot ng 2 oras ang pelikula, pero masasabi ko namang sulit ang oras na hinintay ko at siyempre ang binayad ko :)

  1. jaegerjaquez said: gusto ko tong panoorin!
  2. deiderfender posted this