Reared Melodies

...i dream...i write...i live...

—Papuntang tindahan para magpaload, iniwasan ko ang bakas ng mga tae ng aso. Papuntang chapel para magsindi ng kandila at magdasal, iniwasan ko ang mga bomba nukleyar. Pabalik sa bahay, may nakasalubong akong lalaking marungis. Kakausapin niya sana ako pero iniwasan ko siya. Papalapit sa bahay, may nakita akong malaking tumpok ng tae sa labas ng gate. Tae siguro ni Robbie, yung aso ng mga pinsan ko. Biglang sabi ng kapitbahay, “Tae, o!” Ngumiti lang ako. “Nung lalaki, yung nakasalubong mo.

FB status ng aking propesor na si Sir Mykel Andrada :))