Reared Melodies
...i dream...i write...i live...
...i dream...i write...i live...
Mga dahong animo’y bulaklak
binubuo ng mga talulot
na nakaayos
tulad ng sa parol,
nababalot ng tininang papel
‘sing pula ng mansanas.
Sa liwanag kaya mong mabuhay
sa dilim lalo kang tumitibay –
tingkad ng kulay
lumalabas na tunay,
ito’y iyong naipasisilay
tila walang humpay.
Sinong mag-aakalang
hindi magtatagal,
matatanggal
at tuluyang maglalaho
ang pula
sa iyong mga dahon.
Nawalan ka ng bahagi
na sa iyo’y katangi-tangi,
ngunit kumupas man ang rikit,
mananatili kang pambihira,
pagkat patuloy kang nakatindig,
nakakapit sa lupa.