Reared Melodies
...i dream...i write...i live...
...i dream...i write...i live...
Bato na ang hinain,
laos na ang kantáhin,
pundi nang parol natin,
bakit wala ka pa rin?
Ang mapayapang hangin
na yumayapos sa ‘kin
‘di kayang panatagin
ang pusong mainipin.