Hahayaan na lamang matuyo
gaya ng damdaming tinatago.

Hahayaan na lamang matuyo
gaya ng damdaming tinatago.

Pero nakikita rin natin sa hindi mabilang na halimbawa na wala nang nilalang na mas matigas pa ang ulo kaysa sa isang taong ayaw tumanggap ng pagkatalo.
Ramon Guillermo, “Ang Makina ni Mang Turing”

Guinness World Records

Oldest yoga teacher mula sa Amerika, 90 years old. Bagets manamit. Ang talent malupit. Aakalain mong kapapanganak lang niya sa lambot ng mga buto.

Lalaking tatuan at puno ng hikaw,patutunayang malakas ang nasal cavity nito. Binarena ang ilong. Sinuksukan pagkatapos ng malaking hook na lumusot sa may ngalangala. Sabay hinila ang kotse ng anim na metro gamit ito.

Isang Tsino, pinutol ang mga steel wire na nakabalot sa itlog gamit ang chainsaw. Sa loob ng 56 segundo, lima ang naputol na wire, walang itlog na nabasag.

Lamig, kakalabanin ng isang balbas-saradong mamà. Tinalo ang dating record-holder. Tumagal ng isang oras at 41 minuto sa loob ng kahong pinuno ng abot-balikat na yelo.

(Commercial break. Lipat muna ng channel.)

“Mahigit singkuwenta patay sa Maguindanao. Pinakamaraming bilang ng mamamahayag na pinaslang sa isang araw naitala.”

(Balik sa dating channel.)

You’re still watching, Totally Insane Guinness World Records.

"I will cut the boulders of Mt. Baekdu until my sword is worn away, I will water my horse with the waters of Duman River until it dries up, if a man cannot subjugate an entire nation by the age of 20, then no one will deem him a hero.”

"I will cut the boulders of Mt. Baekdu until my sword is worn away,
I will water my horse with the waters of Duman River until it dries up,
if a man cannot subjugate an entire nation by the age of 20,
then no one will deem him a hero.”

VIP Sana

Wala akong tiket. Pero nasa loob ako. Nakakalula sa lawak itong MOA concert grounds. Kumakanta ang idol kong si Bruno Mars. Ako, paikot-ikot. Nakikinig, pero ‘di makapanuod. Ang nakikita ko, ‘yong mga sinisingitan kong tao. Naghihiyawan sila, nag-eenjoy. Ako rin gustong makisaya, pumalakpak. Kaso hindi libre ang mga kamay ko. Buong oras nakahawak ang kaliwa kong kamay sa hose. Ang kanan, nakakapit sa dalawit ng malaking lata ng tubig na sukbit ko.

Nag-iisprey ako ng tubig –para lumamig ang paligid at maging presko ang mga nanunuod.

Tatlo hanggang apat na oras ko lang ito gagawin. Tatlo hanggang apat na oras lang din ako magtitiis. Sa pangingimi ng mga binti. Sa mga reklamo, salubong na kilay, at nakakapanliit na titig ng mga taong nababasa ko. Pagtapos ng konsiyerto, tapos din ang aking trabaho. Mabilis. Tulad ng pagsayad sa lupa ng pinong-pinong tubig mula sa ispreyer. Pansamantala. Parang lamig na epekto ng aking pag-iisprey. Panandalian. Kagaya ng pagkaaliw ng mga tao habang nanunuod. Paspasan. Pareho ng pagkakataon kong manuod ng palabas na binabayaran ng libo’ng halaga.

Sa pagtatapos ng mga konsiyerto, parati kong tinatanong kung kailan ang susunod. Andito pa kaya ako kung mag-concert uli ang idol ko? Sana oo. Sana sa pagkakataong ‘yon, makakapanuod na ako. Nakaupo, nakakapalakpak, walang kahati sa atensyon.

*07/22/2011

Huwag na Lang

Huwag mo akong pagmalasakitan,
kung hindi mo kaya’t
napipilitan ka lang
gawin ang isang bagay
na labag sa ‘yong kalooban.

Kung idinadamay lamang ako
sa pagpaparamdam mo
ng lihim na pagsinta
sa iba,
huwag na lang pala.

Kung tunay ngang nag-aalala,
huwag nang manggambala
sa pagtibok
ng pulsong
pautay-utay
pinapatay.

Huwag mo ring dagdagan
ang dahilan
para maniwala pa
sa mga salitang harayang
baka aking abutin
hanggang ako’y mabitin.

Naiintindihan mo ba?
Sana…

'Pagkat hindi ko kailangan
ng malasakit mo,
dahil alam kong
hindi iyan,
hindi naman talaga
para sa akin.

Maligayang Pasko sa lahat! ^_^

Maligayang Pasko sa lahat! ^_^

Altar #fernbrookgardens #wedding

Altar #fernbrookgardens #wedding

Kaninang bukang-liwayway sa Palawan #sunrise #palawan #pilipinas #beach

Kaninang bukang-liwayway sa Palawan #sunrise #palawan #pilipinas #beach

Prioridad (Original-draft)

Lagi na lang akong nahuhuli sa mga iniisip mo
di na nagtataka, alam kong nasa sulok lang ako
sinasantabi, tahimik na nagmamasid sa malayo

Lagi na lang akong pangalawa sa mga pinipili mong
samahan, kausapin, tanungin ang damdamin.
Laging nag-aabang sa pagkakataong ako’y iyong unahin.

Sabi ko sa aking sarili na hindi ko na ipipilit pa
ang mga bagay na hindi na maaari o hindi para sa akin talaga.
Sumpa ko sa aking sarili na hindi na ‘ko aasa pa
nang higit pa rito sa kung anong meron tayo ngunit bakit ba
ang puso ko ay kumukontra.

Kasama man kita, mistulan kang bula agad nawawala.
Malaman mo lang na siya’y naririyan ikaw ay lilisan.
Maiiwang nakatanga, nagtataka kung ang balik mo’y kailan.

Lagi na lang akong pangalawa sa mga pinipili mong
samahan, kausapin, tanungin ang damdamin.
Laging nag-aabang sa pagkakataong ako’y iyong unahin.

Sabi ko sa aking sarili na hindi ko na ipipilit pa
ang mga bagay na hindi na maaari o hindi para sa akin talaga.
Sumpa ko sa aking sarili na hindi na ‘ko aasa pa
nang higit pa rito sa kung anong meron tayo ngunit bakit ba
ang puso ko ay kumukontra.